Alamat Ng Pamaypay

ALAMAT NG PAMAYPAY:

***TUKLASIN SA IBABA***

Alamat ng Pamaypay Buod

Ang alamat ng pamaypay ay tungkol sa magkapatid na laging nag-aaway. Ngunit, sa bandang huli, sila ay nagkasundo ring dalawa. Alamin kung paano sila nagkasundo.

Noong unang panahon, may mag-asawang biniyayaan ng kambal na anak. Pinangalanan nila itong Pay at May.

Bangayang Walang Katapusan

Lumaking maganda at malusog ang kambal subalit meron silang ugali na hindi kaaya-aya. Lagi silang nag-aaway kahit na maliit na bagay lamang ang rason.

Sigawan dito, sigawan roon ang naririnig mula sa magkambal. Maging ang mga magulang nila ay naririndi na. Kahit na anong payo ang gawin nila ay hindi nakikinig ang dalawa.

Tagtuyot

Isang araw, dumating ang tagtuyot sa nayon nina Pay at May. Bumaba ang ani ng mga magsasaka. Nawalan ng tubig ang mga sapa.

Dahil doon, labis ang paghihirap ng mga tao. Naisipan nilang humingi ng tulong sa Bathala na sana ay kaawaan sila. Mabait naman ang bathala ngunit merong kundisyong.

Kondisyon

Kailangang magkasundo ang lahat para dumating ang biyaya. Ganoon nga ang ginawa ng mga tao. Lahat ay nagkasundo alang-alang sa kaligtasan ng lahat maliban sa kambal.

Patuloy pa rin sa kanilang bangayan sina Pay at May. Hindi nila alintana kung ang lahat ay mamatay sa gutom at uhaw. Kaya naman, nagdasal ang mga magulang ng kambal na huwag na lamang idamay ang mga tao sa nayon dahil sa kasalanan nina Pay at May.

Tatlong Parusa

Napahinuhod naman ang bathala ngunit bago niya pagpalain ang buong nayon nais niya munang malaman kung magkakasundo ba talaga ang dalawa. Bibigyan niya ang kambal ng tatlong pagkakataon.

Sa bawat pagkakataon na hindi sila magkasundo ay parurusahan niya ang mga ito. Kung sa ikatlong parusa ay hindi pa rin nagkasundo ang dalawa, mamamatay sila sa misteryosong sakit.

Una at Pangalawang Pagkakataon

Hindi naniwala ang dalawa kaya’t patuloy pa rin ang kanilang pag-aaway. Dahil doon, naranasan ng dalawa ang unang parusa. Sila ay nakalbo. Muli na naman silang nag-away dahil sa suklay.

Nang sumunod na araw, naging kalahating hayop at kalahating tao sila. Nag-away ulit sila dahil pilit nilang sinisisi ang bawat isa.

Huling Pagkakataon

Nagpakita ang bathala sa kanila. Sinabi niya rito na gumawa sila ng bagay na pantagal ng init. Kung magagawa nila iyon, babalik sa normal ang buong nayon na masagana sa ani at ulan. Kung hindi, tototohanin ng bathala ang kanyang parusang kamatayan.

Sa pagkakataong ito, nakinig ang dalawa. Kumuha sila nila mga kawayan. Pinanipis nila iyon at pinagtagpi-tagpi. Tinawag nilang paymaypay ang bagay na iyon. Nagtagumpay ang dalawa.

Bumalik na ang masaganang ani at ang ulang mapagpala. Nagkasundo na rin sa wakas ang kambal.

Natuklasan nila na mainam din pala kung nagkakasundo sila. Masarap sa pakiramdam at nakikita nilang nakangiti ang kanilang magulang.

Aral sa Alamat ng Pamaypay

Walang mabuting naidudulot ang madalas na pag-aaway. Bagkus, sa pagkakasundo lamang nagkakaroon ng katiwasayan.