MGA NILALAMAN
Alamat ng Apoy Buod
Ang maikling alamat ng apoy ay tungkol sa bayanihan at katapangan ni Lam-ang. Nagkaroon ng apoy sa daigdig dahil sa kanya at sa tulong ng mga kaibigan niyang hayop.
Noong unang panahon, ang mundo ay lubhang napakadilim sa tuwing sasapit ang gabi. Mula sa kalayuan, tanaw ng mga tao ang isang ningas ng pag-asa at inatasan nila si Lam-ang na alamin kung iyon ba ang magiging sagot ng kanilang problema.
Paglalakbay

Dala ang basbas ng taong bayan, naglakbay si Lam-ang patungo sa ma-alamat na yungib kung saan naroroon ang inaasam-asam na apoy. Inabot ng buwan ang kanyang paglalakbay at sa wakas nakarating din siya.
Subalit, hindi agad siya nakalapit dahil may dalawang higanteng nagbabantay. Mula sa kanyang kinakukublian, kitang-kita niya ang apoy na inaasam-asam.
Alternatibong Plano

Naisip ni Lam-ang na gamitan ng diplomasya baka sakaling tumalab sa dalawang higante. Bago siya lumapit sa yungib, tinawag niya muna ang mga kaibigang hayop. Ipinaliwanag niya ang kanyang layunin at nais ng mga ito na makipagtulungan.
Sinabihan niya ang mga ito na kapag nakabukuhan ay maingay sila ng sabay-sabay upang magulantang ang mga higante. Inatasan niya na aso na siyang magbibigay ng hudyat kapag nakita nito ang kanyang senyas.
Pakikipagkaibigan

Kinakabahan man, lumapit si Lam-ang sa dalawang higante at nakipagkaibigan. Mukha namang mabait ang dalawa at tinanggap ang pakikipagkaibigan ng binata.
Nagkuwentuhan sila at nagkapalagayang loob. Hanggang sa dumako ang usapan sa apoy. Hiniling ni Lam-ang na humingi ng kahit kaunting ningas niyon para kanyang mga kababayan.
Pagtanggi

Tumanggi ang dalawang higante sa hiling ni Lam-ang. Nagkaroon ng pilitan hanggang sa nagalit ang mga higante at sinabing kagaya lamang si Lam-ang ng ibang dumarayo doon. Ang nais lamang ng binata ay ang apoy na kanilang binabantayan.
Nang mapagtanto ni Lam-ang na magwawala ang isa, agad niyang sinenyasan ang aso na kumahol ng tatlong beses. Iyon ang hudyat na sinabi niya kanina sa mga kaibigang hayop. Pagkatapos ng hudyat, sabay-sabay na nagsi-ingay ang mga hayop sa paligid ng yungib.
Paghahabulan

Nagulantang ang dalawang higante at naghanap ng matataguan. Iyon ang pagkakataong hinihintay ni Lam-ang. Agad siyang kumuha ng apoy sa pamamagitan ng sulo at tumakbo palayo.
Subalit nakita ng mga higante ang kanyang ginawa. Kaya naman, agad siyang hinabol. Nang mapagod si Lam-ang, ang mga hayop ay tumulong upang itakas ang apoy. Tila walang kapaguran ang dalawang higante.
Subalit, hindi nabawi ng higante ang apoy dahil nakarating na sila sa hangganan ng territoryo ng higante at ng mga tao. Sa labis na pagkapahiya, agad na nagtago sa yungib ang dalawa at tinakpan ang bukana.
Nagtagumpay si Lam-ang at ang kanyang kaibigan hayop sa kanilang misyon. Mula noon, nagkaroon na ng apoy sa daigdig ng mga tao.

Aral sa Maikling Alamat ng Apoy
Ang tagumpay ay resulta ng pagtutulungan.