Alamat Ng Ahas

ALAMAT NG AHAS:

***TUKLASIN SA IBABA***

Alamat ng Ahas Buod

Ang alamat ng ahas ay tungkol sa kuwento ng isang nilalang na walang kasing-sama ng ugali. Pinarusahan siya dahil sa kanyang masamang ugali.

Noong unang panahon, may isang inang nabiyayaan ng anak na lalake. Sa kasamaang palad, suwail at tamad ang anak na lalake.

Basagulero’t Palalo

Habang tumatanda si Masung ay tumitindi ang kanyang pagiging masama. Nandiyan iyong utusan niya ang kanyang ina para mag-igib ng kanyang panligo.

Meron pang nakipagtagaan sa kapwa niya dahil tinawag siyang pangit. Kahit pagod na pagod ang kanyang ina sa pang-araw-araw na gawain, nagagawa pa ni Masung na bulyawan ito.

Sumpa ng Ina

Isang araw, umuwi na pagod na pagod at gutom na gutom si Masung mula sa kanyang pagliliwaliw sa kung saan-saan. Nang araw na iyon, may sakit ang ina ni Masung.

Imbes na pagsilbihan at ipagluto ng makakain ang ina, nagalit si Masung. Sinabihan pa niyang nag-iinarte lamang ito.

Sa galit ng ina, isinumpa nito si Masung. Sinabi nitong gagapang sa lupa ang binata at mananatili ang kanyang kabagsikan.

Pagkatotoo ng Sumpa

Tinawanan lamang ni Masung ang ina. Dahil nainis siya, umalis nang walang paalam ang binata. Sa kanyang paglalakad ay hindi niya napansin ang batong nakausli.

Napatid siya at nalugmok sa lupa. Sa di maipaliwanag na dahilan, hindi na maigalaw ni Masung ang buong katawan. Naramdaman niya ang pagbabagong anyo.

Kaaway

Lingid sa kaalaman ni Masung, sinundan pala siya ng kanyang mortal na kaaway. Nakita nito ang pagbabagong anyo niya. Kaya naman naisipan nito na tagain siya ng dala nitong gulok.

Katulad nga ng sabi ng ina, mabagsik pa rin si Masung sa kabila ng kanyang hitsura. Nanunuklaw pa. Si Masung ay ang kauna-unahang ahas.

Aral sa Alamat ng Ahas

Ang mga taong hindi marunong rumespeto ay nakakarma.