PINOYALAMAT.COM https://pinoyalamat.com/ PINOYALAMAT.COM Wed, 25 Mar 2020 06:20:11 +0000 en-US hourly 1 https://pinoyalamat.com/wp-content/uploads/2019/11/cropped-035-fairy-32x32.png PINOYALAMAT.COM https://pinoyalamat.com/ 32 32 Alamat Ng Paru-Paro https://pinoyalamat.com/alamat-ng-paru-paro/ Wed, 25 Mar 2020 06:20:09 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527630 Noong unang panahon, may isang matandang mahilig magtanim ng mga bulaklak. May bulung-bulungan na ang matanda ay isang diwata na paminsan-minsang nakikisalamuha sa mga tao. Ngunit, wala pang nakakapagpatunay ng sapantahang ito. Pakikipagkapwa Mabait at matulungin ang matanda sa mga kapitbahay. Kung merong nanghihingi ng kanyang bulaklak ay binibigyan niya ang mga ito. Alam naman ... Read more

The post Alamat Ng Paru-Paro appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Paru-paro Buod

Ang alamat ng paru paro ay tungkol sa mag-asawang ganid. Pinarusahan sila dahil sa kanilang masamang ugali.

Noong unang panahon, may isang matandang mahilig magtanim ng mga bulaklak. May bulung-bulungan na ang matanda ay isang diwata na paminsan-minsang nakikisalamuha sa mga tao. Ngunit, wala pang nakakapagpatunay ng sapantahang ito.

Pakikipagkapwa

Mabait at matulungin ang matanda sa mga kapitbahay. Kung merong nanghihingi ng kanyang bulaklak ay binibigyan niya ang mga ito. Alam naman kasi ng matanda na alay sa simbahan sa tuwing binyag, kumpil o kahit anong mahahalagang okasyon.

Binibigyan ng mga tao ang matanda ng mga prutas, bigas, o kahit anong pagkain sa tuwing anihan at isda kung maganda ang huli ng mga mangingisda. Ang mga ito ay kapalit ng kagandahang loob ng matanda.

Mag-Asawang Amparo

Payapa at matiwasay ang pamumuhay ng mga tao at ng matanda. Subalit dumating ang mag-asawang Amparo sa kanilang lugar.

Ganid, tamad, at pala-hingi ang mag-asawa. Wala silang alam gawin kundi magbigay problema sa mga tao. Kahit ayaw tulungan ng mga tao ay napipilitan sila dahil mapilit ang mga Amparo.

Pagmamalabis

Isang araw, naisip ng mag-asawa na hingan ang matandang hardinera ng mga bulaklak. Binigyan naman ng matanda ang dalawa dahil ang alam niya ay alay iyon sa simbahan.

Subalit, nalaman ng matanda na ipinagbili pala ng mag-asawa ang mga bulaklak sa malaking halaga. Muling humingi ang mag-asawang Amparo ng mga bulaklak pero hindi na nagbigay ang matanda.

Pagnanakaw

Nagalit ang dalawa kaya’t naisipan nilang pagnakawan ang matandang hardinera. Isinakatuparan ng mag-asawa ang kanilang balak isang gabing nakita nilang umalis ang matanda.

Kaagad silang pumasok sa hardin ng matanda at kinuha ang lahat ng mga magagandang bulaklak. Hindi akalain ng dalawa na babalik ang matanda nang mas maaga sa inaasahan.

Kaparusahan

Naabutan ng matanda ang mag-asawang Amparo sa kanilang masamang gawain. Una, nagmakaawa siyang itigil na nila ang ginagawa.

Imbes na makonsensiya at tila nagalit pa ang dalawa. Sinabihan nila ang matanda na madamot kaya nagawa nilang nakawin ang mga bulaklak.

Dahil doon, nagalit ang hardinerang matanda. Pumasok siya sa loob ng kanyang bahay. Paglabas niya ay isa na siyang napakagandang diwata at hawak niya ang kanyang mahiwagang baston.

Habang iwinawasiwas sa hangin ay binigkas niya ang mga ito. “Dahil sa inyong kasakiman, magiging insekto kayo. Kasing kulay at kasing ganda ng mga bulaklak na inyong ninakaw.”

Lumiit ang dalawa at nagkaroon ng mga pakpak. Makukulay at magaganda ang mga iyon.

“Ngunit, hindi ninyo makukuha kailanman ang mga bulaklak. Mula ngayon, hanggang tanaw at hanggang hawak na lang ang magagawa ninyo.” Pagtatapos ng matanda.

Ang Unang mga Paru-paro

Hindi na nakita pa ng mga tao ang mga Amparo pero napansin nila ang dalawang insektong lilipad-lipad sa hardin ng matanda.

Napansin nila na magkapareho ang mga pakpak ng insekto. Kaya pinangalanan nilang amparo-amparo. Kalaunan ay naging paru-paro dahil na rin sa pagsalin-salin ng kuwento.

Aral sa Alamat ng Paru-paro

Walang naidudulot na mabuti ang pagkakaroon ng masamang ugali. Huwag gamitin ang pakikipagkapwa para abusuhin ang ibang tao.

The post Alamat Ng Paru-Paro appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Kasoy https://pinoyalamat.com/alamat-ng-kasoy/ Wed, 25 Mar 2020 06:19:09 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527645 Noong unang panahon, isang diwata ang namamahala sa mga halaman, prutas, puno at hayop sa kagubatan. Mabait at mapagbigay ito. Ang Kasiyahan Isang araw, nagdaos ang diwata ng isang piging. Lahat ay imbitado. Kaya naman, lahat ay nagsipaghanda para sa araw na iyon. Dumating ang araw ng kasiyahan. Lahat ay nagsasayawan habang masayang tumutugtog ang ... Read more

The post Alamat Ng Kasoy appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Kasoy Buod

 Ang alamat ng kasoy ay tungkol sa dahilan nang paglabas ng buto nito. Nagbago ang anyo nito dahil sa isang kahilingan.

Noong unang panahon, isang diwata ang namamahala sa mga halaman, prutas, puno at hayop sa kagubatan. Mabait at mapagbigay ito.

Ang Kasiyahan

Isang araw, nagdaos ang diwata ng isang piging. Lahat ay imbitado. Kaya naman, lahat ay nagsipaghanda para sa araw na iyon.

Dumating ang araw ng kasiyahan. Lahat ay nagsasayawan habang masayang tumutugtog ang mga musikero. Tawanan dito, tawanan doon.

Ramdam ang Inggit

Sa lahat ng mga prutas, si Kasoy ay malungkot. Hindi niya kasi nakikita ang mga kasiyahang nagaganap dahil nasa loob siya ng prutas.

Kaya namutawi sa kanyang bibig na sana’y nasa labas siya at nakikita ang kasiyahan. Narinig ng diwata ang himutok ng kasoy kahit abala siya sa piging.

Kahilingan

Nilapitan ng diwata si Kasoy at muling tinanong kung ano ang kanyang nais. Agad namang sumagot ang kasoy. Inulit niya ang kanyang hiluing. Sa isang wasiwas ng diwata, lumabas si Kasoy mula sa kanyang kinaroroonan.

Dahil hindi nasisikatan ng araw, kulay abo ang buto ng kasoy. Lubos ang kasiyahan sa mukha ni Kasoy. Namamangha siya sa mga kulay at liwanag.

Hudyat ng Pagtatapos

Sa gitna ng kasiyahan, napatigil ang diwata sa kanyang pakikipag-usap. Malayo pa man, ramdam na niya ang parating na unos ng kalikasan. Naghudyat siya ng pagtatapos ng piging.

Nagulantang man ay nagtago ang mga hayop. Nagsikapit ang mga halaman sa lupa. Nagdasal ang mga prutas para sa kaligtasan ng lahat.

Lamig ng Bagyo

Ilang minuto pagkatapos ng hudyat ng diwata, bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Humihip ang hanging kay lamig.

Dumagundong ang kulog at gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Natakot si Kasoy. Nais niya muling pumaloob sa dating kinalalagyan. Subalit, hindi na siya pinakinggan ng diwata.

Nangaligkig sa ginaw si kasoy habang pilit tinatakpan ang mga tenga. Nabibingi siya sa kulog. Magsisi man siya ay huli na ang lahat.

Mula noon, nasa labas na ang buto ng kasoy na siyang nakagisnan na ng mga tao.

Aral sa Alamat ng Kasoy

Makuntento kung ano ang ipinagkaloob sa iyo dahil maaring iyon ang maging proteksyon mo sa marahas na buhay sa mundo.

The post Alamat Ng Kasoy appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Sibuyas https://pinoyalamat.com/alamat-ng-sibuyas/ Wed, 25 Mar 2020 06:18:53 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527916 Noong araw, may isang manggagamot na nakatira sa paanan ng Sierra Madre. Mayroon siyang dalawang anak. Sila ay sina Buyas at Mipa. Pagkakaiba Maraming dumarayo upang pagpagamot. Lahat ay napapansin ang malaking pagkakaiba ng dalawa. Marami ang nagsasabi na mas maganda si Mipa kaysa kay Buyas. Mas mahilig makihalubilo sa tao si Mipa kaysa sa ... Read more

The post Alamat Ng Sibuyas appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Sibuyas Buod

Ang alamat ng sibuyas ay tungkol sa dalagang umibig ngunit nabigo. Hindi niya ginamit ang kabiguan upang maghiganti o manakit ng kapwa.

Noong araw, may isang manggagamot na nakatira sa paanan ng Sierra Madre. Mayroon siyang dalawang anak. Sila ay sina Buyas at Mipa.

Pagkakaiba

Maraming dumarayo upang pagpagamot. Lahat ay napapansin ang malaking pagkakaiba ng dalawa.

Marami ang nagsasabi na mas maganda si Mipa kaysa kay Buyas. Mas mahilig makihalubilo sa tao si Mipa kaysa sa Buyas. Si Buyas naman ay sensitibo, iyakin, at medyo mahiyain.

Dahil sa kanyang mga naririnig, lalong naging sensitibo at iyakin si Buyas. Hindi lamang niya ipinapakita na umiiyak siya sa tuwing ikukumpara sa kanyang kapatid.

Amang Mabait

Alam ng manggagamot na pinagkukumpara ng mga tao ang kanyang mga anak. Alam niya rin ang mga pagkakataong umiiyak si Buyas.

Pantay ang pagmamahal niya sa dalawa. Kaya’t sinisikap niyang aluin at patatagin ang loob ng kanyang panganay na si Buyas.

Mangingibig

Isang araw, may nanligaw sa isa sa mga anak ng manggagamot. Bagama’t si Buyas ang unang nakilala at nakapalagayang loob ng binata, si Mipa naman ang itinitibok ng puso nito.

Labis na nasaktan si Buyas sa kanyang nalaman. Halos araw-araw ay umiiyak si Buyas dahil sa nakikitang pagmamahalan ng binata at ng kanyang kapatid. Lalong nasaktan si Buyas nang mamanhikan ang binata.

Pagkawala

Ilang araw bago ang kasal ng kapatid, nagpaalam si Buyas sa ama na siya ay mamamasyal lamang. Hindi naman lumayo ang dalaga. Nasa likuran lang siya at nagdasal ng taimtim.

Nang araw na iyon, hindi bumalik si Buyas. Wala rin siya sa kasal ng kapatid. Naglahong parang bula ang dalaga.

Hiniling ng dalaga na sana’y maglaho na lamang subalit nais niyang maalala pa rin siya ng kanyang ama at maging kapaki-pakinabang para rito.

Bagong Halaman

Ilang buwan ang nakalipas. Napansin ng manggagamot ang bagong halaman sa likuran ng kanilang bahay. Binunot niya iyon at balak niyang ilipat sa mas magandang lugar.

Nagulat siya nang makitang may bunga ito. Hugis bilog at kuly pula. Naalala niya ang kanyang panganay na anak. Ang katangian ng bunga ay naihahalintulad niya sa anak.

Kumuha siya ng isang bunga at ang iba ay kanyang muling itinanim. Nang hiwain niya ang bunga ay natuklasan niyang nakakaiyak iyon. Lalong lumakas ang sapantaha niya na maaaring ito ang kanyang anak.

Mula noon, tinawag niyang buyas ang halaman. Sa tinagal-tagal ng panahon, naging sibuyas ang bigkas sa halaman.

Aral sa Alamat ng Sibuyas

Magparaya kung alam mong wala nang pag-asa ngunit hindi dapat isiping iyon na ang katapusan.

The post Alamat Ng Sibuyas appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Butiki https://pinoyalamat.com/alamat-ng-butiki/ Wed, 25 Mar 2020 06:18:49 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527714 Noong unang panahon, may isang batang ubod ng lupit, kulit at likot. Ang pangalan niya ay Kiko. Hindi siya sumusunod sa anumang pangaral ng ina. Pagmamalupit Sinasaktan ni Kiko ang lahat ng mga kalaro niya. Kaya naman unti-unting umiwas ang mga ito sa kanya hanggang mag-isa na lamang siya na naglalaro.  Nang wala na siyang ... Read more

The post Alamat Ng Butiki appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Butiki Buod

Ang alamat ng butiki ay tungkol sa isang batang nananakit ng kapwa niya bata at ng mga hayop. Pinarusahan siya ng isang duwende dahil sa kanyang ginawa.

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng lupit, kulit at likot. Ang pangalan niya ay Kiko. Hindi siya sumusunod sa anumang pangaral ng ina.

Pagmamalupit

Sinasaktan ni Kiko ang lahat ng mga kalaro niya. Kaya naman unti-unting umiwas ang mga ito sa kanya hanggang mag-isa na lamang siya na naglalaro. 

Nang wala na siyang mga kalaro, mga inosenteng hayop naman ang kanyang binalingan. Sinisipa, binabato, at pinapalo niya ang mga hayop.

Kaya naman ilag ang mga hayop sa kanya. Lahat ay nagsisipagtago kapag naaamoy na nila si Kiko.

Minsan, isang punso ang pinagdiskitahan ni Kiko. Sinira nito iyon. Nahintakutan ang nanay ni Kiko at dali-daling humingi ng tawad sa mga hindi nakikitang duwende.

Pangakong Napako

Nangako ang ina ni Kiko na magbabago na ito sa harap ng nasirang punso. Pinangaralan niya ang anak. Sinabi nito na masamang magalit ang mga duwende.

Hindi nagtanda si Kiko. Nang sumunod na araw, isang lungga ng mga bayawak ang nakita niya. Pinagbabasag ng bata ang mga itlog ng bayawak.

Nakita iyon ng isang duwende at galit na galit na nagpakita kay Kiko. “Alam mo bang may buhay ang mga sinira mong itlog?”

Nagulat si Kiko. Ngayon lamang siya nakakita ng duwende kaya’t para siyang namatanda na nakatingin dito.

Parusa sa Kalupitan

“Dahil sa iyong kalupitan, parurusahan kita. Bago sumapit ang takip-silim, magiging isa kang hayop na katulad ng bayawak. Tatawagin kang butiki.”

Nahintakutan si Kiko nang maramdaman ang pagsulpot ng buntot sa kanyang puwetan. Pagtingin niya sa kalangitan ay malapit na pala ang takip-silim.

Nagtatakbo si Kiko pabalik sa bahay nila habang naririnig pa rin niya ang patuloy na pagsasalita ng duwende.

At dahil dati kang isang tao, sa tahanan ka maninirahan. Bilang tanda ng iyong labis na pagsisisi, ikaw ay hahalik sa lupa bago magdilim.”

Pagbagong Anyo

Malayo pa lang sa tarangkahan ng bahay ay nagsisisigaw na si Kiko. “Inay, tulungan ninyo ako. Ayokong maging butiki!” Hindi na nakaakyat si Kiko dahil isa na siyang ganap na butiki.

Dumungaw ang ina ni Kiko ngunit wala na siyang makitang ibang tao. Bagkus, nakita niya ang isang maliit na hayop na kawangis ng bayawak. Dali-daling gumapang ang hayop papasok sa bahay.

Tinawag ng ina na butiki ang hayop dahil iyon ang huling narinig niya. Hindi na niya muling nakita ang anak ngunit sa gabing iyon dumalaw si Kiko sa panaginip upang sabihin ang nangyari sa kanya.

Tuwing dapithapon, maririnig mo ang butiki na mag-iingay at biglang mahuhulog sa kisame o sa pader.

Aral sa Alamat ng Butiki

Huwag maging pilyo at malupit dahil baka parusahan ka.

The post Alamat Ng Butiki appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Baysay https://pinoyalamat.com/alamat-ng-baysay/ Wed, 25 Mar 2020 06:10:19 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527764 Noong panahon ng Kastilang mananakop, may itinatag na bayan sa Kabisayaan. Mga Heswita ang tumulong sa mga Pilipino upang itatag ito. Dahilan Ang mga panahong ito ay puno ng digmaan at agawan ng lupa at mga ari-arian. Dumarami ang mga tulisang dagat. Takot na takot ang mga mamamayan sa banta ng muling pagsalakay ng mga ... Read more

The post Alamat Ng Baysay appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Baysay Buod

Ang alamat ng Baysay ay tungkol sa isang bayan sa Visayas. Ito ay kuwento kung paano ito nabuo at naitatag.

Noong panahon ng Kastilang mananakop, may itinatag na bayan sa Kabisayaan. Mga Heswita ang tumulong sa mga Pilipino upang itatag ito.

Dahilan

Ang mga panahong ito ay puno ng digmaan at agawan ng lupa at mga ari-arian. Dumarami ang mga tulisang dagat. Takot na takot ang mga mamamayan sa banta ng muling pagsalakay ng mga bandido.

Sa tulong nga mga Heswitang pari, nagawang lumikas ng mga mamamayan ng Balud sa isang karatig nayon. Ang nayon na ito ay nadaraanan patungong Binongtoan.

Mga Tagapamuno

Ang namuno sa paglikas ay sina Ambrocio Makarumpag, Tomas Makahilig, Juan Katindoy, at Francisco Karanguing.

Sa tulong ng apat na pari, nagawang patatagin ng mga mamamayan ng Balud ang kanilang bagong kuta. Pinalibutan nila ang bagong bayan ng 0batong adobe.

Nagtayo sila ng malakas na depensa upang hindi basta-basta makapasok ang mga tulisang-dagat.

Pangalan

Malakas at matatag na ang bayan ngunit wala pa itong pangalan. Kaya’t pinulong ng mga Heswita ang mga mamamayan para sa isang importanteng usapan.

Nagkaisa ang lahat na pangalanang Baysay ang bagong kuta bilang parangal kay Bungangsakit. Ang ibig sabihin ng Baysay ay “maganda”.

Mula noon, Baysay na ang tawag sa bagong nayon na tinatag ng mga taga-Balud. Sa ngayon, ito ay ang Basey sa Samar.

Aral sa Alamat ng Baysay

Ang pagtutulungan ay may magandang naidudulot para sa tagumpay ng isang bayan, kahit ano pa ang iyong nasyonalidad.

The post Alamat Ng Baysay appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Pakwan https://pinoyalamat.com/alamat-ng-pakwan/ Wed, 25 Mar 2020 06:10:00 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527776 Noon unang panahon, may isang batang ulila na sa magulang. Siya ay nakikitira lamang sa kanyang tiya at tiyo. Ang pangalan niya ay Juan Tampulan ng Tukso Hindi biniyayaan si Juan ng magandang panlabas na anyo. Siya ay mas maitim kaysa sa karaniwang kayumangging Pilipino. Mapupula ang kanyang makakapal na labi. Ang mga ngipin niya ... Read more

The post Alamat Ng Pakwan appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Pakwan Buod

Ang alamat ng pakwan ay tungkol kay Juan na walang hinangad kundi ang pagsilbihan ang mga taong kumupkop sa kanya. Sa kabila ng lahat, pagmamalupit ang kanyang natanggap na kabayaran.

Noon unang panahon, may isang batang ulila na sa magulang. Siya ay nakikitira lamang sa kanyang tiya at tiyo. Ang pangalan niya ay Juan

Tampulan ng Tukso

Hindi biniyayaan si Juan ng magandang panlabas na anyo. Siya ay mas maitim kaysa sa karaniwang kayumangging Pilipino. Mapupula ang kanyang makakapal na labi. Ang mga ngipin niya ay maiitim.

Dahil sa kanyang kaanyuan, tampulan siya ng tukso ng kanyang mga pinsan. Lagi siyang tinatawag na pangit hanggang sa naging Pak Juan ang bansag sa kanya.

Busilak na Puso

Sa kabila ng kanyang kaanyuan, mabait, masipag at pasensyoso si Juan. Siya ang laging gumagawa sa gawaing bahay sa kanyang tinitirhan bilang ganti sa pagkupkup sa kanya ng kanyang tiyo at tiya.

Subalit kahit anong kabaitan ang pinapakita niya ay lagi pa rin siyang pinapagalitan. Madalas siyang saktan ng kanyang mga tiyo at tiya, gayundin ang mga pinsan niya.

Dalangin

Isang araw, napagod na si Juan sa pagmamalupit ng kanyang mga kamag-anak. Kaya’t naidasal niya na sana’y mawala na lang siya sa mundo upang hindi na niya maranasan ang kalupitan ng mga tiyo at tiya niya.

Kumulog at kumidlat pagkatapos ng dasal ni Juan. Kinabukasan, hindi mahanap ng mga tiyo at tiya niya si Juan.

“Malamang naglayas na.” Walang anumang wika ng tiyo ni Juan.

Pagsisisi

Lumipas ang araw at buwan pero wala na ngang nakakita pa kay Juan. Kahit paano, nalungkot ang tiyo, tiya at mga pinsan ni Juan sa kanyang pagkawala.

Wala na kasing masipag maglinis ng kanilang bahay. Wala na kasing masarap magluto ng kanilang umagahan, tanghalian at hapunan. Magsisi man sila ngayon ay wala na silang magagawa pa.

Hanggang isang araw, napansin ng isa sa pinsan ni Juan ang isang halaman sa bakuran nila. Ang halaman ay may bunga na kasing-bilog ng ulo ni Juan.

Namangha sila nang kanilang buksan ang bunga. Kasimpula ng mga labi ni Juan ang laman ng bunga. Ang itim na buto nito ay nagpapaalala sa kanila sa mga ngipin ni Juan.

Mula noon, inalagaan ng mag-anak ang halaman at pinalago bilang paghingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa nila kay Juan. Tinawag nilang pak-juan ang bunga na kalaunan ay naging pakwan.

Aral sa Alamat ng Pakwan

Pahalagahan ang kabutihan ng isang tao bago mahuli ang lahat dahil hindi mo na maibabalik ang lahat kung sakaling mawala siya.

The post Alamat Ng Pakwan appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Mindanao https://pinoyalamat.com/alamat-ng-mindanao/ Wed, 25 Mar 2020 06:09:45 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527899 Noong unang panahon, ang dalawang kapuluan pa lamang ang okupado ng mga tao sa Pilipinas. Ang bawat kapuluan ay pinamumunuan ng datu. Ang Dalawang Datu Ang kapuluan sa dakong hilaga ay pinamumunuan ni Datu Lusong. Si Datu Lusong ay may angking pambihirang lakas at tapang. Siya ay may anak, si Minda. Kaakit-akit at malambing ang ... Read more

The post Alamat Ng Mindanao appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Mindanao Buod

Ang alamat ng Mindanao ay tungkol sa kuwento ng pagkakaisa. Alamin kung paano ang dalawang mortal na magkaaway ay nagkasundo para sa ikabubuti ng lahat.

Noong unang panahon, ang dalawang kapuluan pa lamang ang okupado ng mga tao sa Pilipinas. Ang bawat kapuluan ay pinamumunuan ng datu.

Ang Dalawang Datu

Ang kapuluan sa dakong hilaga ay pinamumunuan ni Datu Lusong. Si Datu Lusong ay may angking pambihirang lakas at tapang. Siya ay may anak, si Minda. Kaakit-akit at malambing ang dalaga.

Sa gitnang bahagi, si Datu Bisaya naman ang namumuno. Siya ay biniyayaan ng anak na lalake, si Danaw. Bukod sa makisig, malakas at matalino ang binata. Dahil sa kanyang pamumuno, laging nananalo sa digmaan ang hukbo nila.

Mortal na Magkaaway

Dahil sa kapwa malakas ang mga hukbong pinamumunuan ng dalawa, magkagalit sila sa isa’t isa. Nais nilang sakupin ang pinamumunuan ng bawat isa.

Lagi silang nagsasagupaan. Ngunit sa pagdaan ng panahon, napagtanto ng dalawang datu na walang patutunguhan ang kanilang sagupaan. Nagkakaubusan na sila ng kanilang mga kawal.

Pagkakasundo

Isang araw, nagkasundo ang dalawang datu na pansamantalang mamahinga sa pakikipagdigma sa isa’t isa. Sa mga araw na walang digmaan, nagkaroon ng kapayapaan sa bawat kapuluan.

Naging maganda ang bunga ng pansamantalang katahimikan. Kaya naman naisip nilang dalawa na tuluyan ng magkasundo. Upang malubos ang kanilang pagkakasundo, si Datu Lusong ay nagmungkahi na bigkisin iyon sa pamamagitan ng kasal ng kanilang mga anak.

Kasalan

Sumang-ayon naman si Datu Bisaya. Nagkasundo silang gawin ang kasalan sa isang pulo sa dakong timog.

Naging matagumpay naman ang ginanap na kasalan. Iniregalo ni Datu Bisaya ang pulong iyon sa mag-asawa.

Ang sinumang gustong maiwan ay maaaring maiwan, iyon ang huling pangungusap ng datu sa kanyang talumpati bago sila tuluyang umuwi.

Bagong Pamumuno

Marami sa mga kawal nina Datu Lusong at Datu Bisaya ang naiwan para samahan ang bagong mag-asawa. Naging masaya at maayos ang pamumuno nina Danaw at Minda.

Nagkaroon sila ng walong anak, limang lalake at tatlong babae. Dumaan ang maraming henerasyon. Sa pagkamatay nina Minda at Danaw, isinunod ng kanilang mga anak at nasasakupan ang kanilang pangalan sa kapuluan.

Aral sa Alamat ng Mindanao

Ang pagkakaisa ay may positibong epekto lalo na kung para ito sa ikabubuti ng nakararami.

The post Alamat Ng Mindanao appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Kwintas https://pinoyalamat.com/alamat-ng-kwintas/ Wed, 25 Mar 2020 06:09:25 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527912 Noong unang panahon, may isang pamilya ng mangangalakal. Mayroon silang isang anak na babae. Yumaman ang mag-asawa dahil sa sipag at tiyaga. Regalo Madalas umaalis ang mag-asawa para maghanap buhay. Linggo, minsan buwan ang inaabot ng kanilang paglalakbay. Sa tuwina ay naiiwan ang anak nila sa poder ng kanilang pinagkakatiwalaang  mga tao. Kung hindi kasambahay ... Read more

The post Alamat Ng Kwintas appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Kwintas Buod

Ang alamat ng kwintas ay tungkol sa isang batang lumaki sa karangyaan. Malungkot siya sa kabila nang karangyaan dahil hindi niya naranasan ang mahalin ng kanyang magulang sa tunay nitong kahulugan. Mas ninais pa niyang maging isang bagay upang siya ay matutunang pahalagahan.

Noong unang panahon, may isang pamilya ng mangangalakal. Mayroon silang isang anak na babae. Yumaman ang mag-asawa dahil sa sipag at tiyaga.

Regalo

Madalas umaalis ang mag-asawa para maghanap buhay. Linggo, minsan buwan ang inaabot ng kanilang paglalakbay.

Sa tuwina ay naiiwan ang anak nila sa poder ng kanilang pinagkakatiwalaang  mga tao. Kung hindi kasambahay ay mga kapwa negosyante na nagbabakasyon din.

Regalo ang madalas dala ng mga magulang ng bata para punan ang kanilang pagkukulang. Una’y isang tuta. Pangalawa ay mga naggagandahang damit. Pangatlo ay mga hiyas na kumikinang at marami pang iba.

Lungkot sa Puso

Napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ng bata sa bawat regalong natatanggap niya mula sa magulang. Napagtanto niya kahit anong gawin niya ay mananatili ng ganoon ang sitwasyon niya, laging iniiwan.

Kahilingan

Isang araw, malungkot na malungkot na nagpaalam ang bata sa kanyang mga magulang. Nang nakaalis na ang mga ito, pumunta siya sa pook dasalan.

Hiniling niya na sana ay maging bagay na lamang siya na maaring dalhin ng kanyang mga magulang. Mas mahalaga kasi ang mga materyal na bagay sa kanila.

Katuparan

Nagpakita ang isang diwata sa bata. Tinanong nito kung anong klaseng bagay iyon.

“Hindi ko alam, mahal na diwata. Siguro, isang makinang na bagay dahil mahilig ng ganoon ang aking mga magulang,” sagot ng bata habang tumutulo ang mga luha niya.

Napansin ng diwata ang hugis diyamanteng luha niya. Ngumiti ang diwata at iwinasiwas nito ang kamay. Sa isang iglap, naging isang makinang bagay ang bata. Pahaba iyon.

Ang Unang Kwintas

Muli, umuwi ang mga magulang ng bata subalit walang anak na sumalubong sa kanila. Ang naabutan nila ay ang alagang aso ng kanilang anak. May tangan itong mahabang bagay, tila tali at makinang.

Kinuha ng ginang ang tangan ng aso. Nagulat siya ng makitang purong diyamante at ang pinakagitna ay hugis pusong rubi. Ang saraduhan ay pilak na hugis kamay na maliit.

Dinalaw sila sa panaginip ng diwatang nagbigay katuparan sa hiling ng kanilang anak. Nagising ang mag-asawa at lubos na nalungkot sa kanilang nalaman.

Nagsisisi sila kung bakit pinabayaan nila ang kaisa-isa nilang supling. Mula noon, laging suot ng ginang ang kwintas upang maalala nilang dalawa ang kanilang pagkakamali at ipakitang mahalaga sa kanila ang anak.

Aral sa Alamat ng Kwintas

Pahalagahan ang taong mahal mo sa buhay bago mahuli ang lahat. Ipakita ang iyong pagmamahal hindi lamang sa materyal na bagay dahil mas higit nilang kailangan ang iyong presensa at kalinga.

The post Alamat Ng Kwintas appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Ahas https://pinoyalamat.com/alamat-ng-ahas/ Wed, 25 Mar 2020 06:09:08 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527933 Noong unang panahon, may isang inang nabiyayaan ng anak na lalake. Sa kasamaang palad, suwail at tamad ang anak na lalake. Basagulero’t Palalo Habang tumatanda si Masung ay tumitindi ang kanyang pagiging masama. Nandiyan iyong utusan niya ang kanyang ina para mag-igib ng kanyang panligo. Meron pang nakipagtagaan sa kapwa niya dahil tinawag siyang pangit. ... Read more

The post Alamat Ng Ahas appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Ahas Buod

Ang alamat ng ahas ay tungkol sa kuwento ng isang nilalang na walang kasing-sama ng ugali. Pinarusahan siya dahil sa kanyang masamang ugali.

Noong unang panahon, may isang inang nabiyayaan ng anak na lalake. Sa kasamaang palad, suwail at tamad ang anak na lalake.

Basagulero’t Palalo

Habang tumatanda si Masung ay tumitindi ang kanyang pagiging masama. Nandiyan iyong utusan niya ang kanyang ina para mag-igib ng kanyang panligo.

Meron pang nakipagtagaan sa kapwa niya dahil tinawag siyang pangit. Kahit pagod na pagod ang kanyang ina sa pang-araw-araw na gawain, nagagawa pa ni Masung na bulyawan ito.

Sumpa ng Ina

Isang araw, umuwi na pagod na pagod at gutom na gutom si Masung mula sa kanyang pagliliwaliw sa kung saan-saan. Nang araw na iyon, may sakit ang ina ni Masung.

Imbes na pagsilbihan at ipagluto ng makakain ang ina, nagalit si Masung. Sinabihan pa niyang nag-iinarte lamang ito.

Sa galit ng ina, isinumpa nito si Masung. Sinabi nitong gagapang sa lupa ang binata at mananatili ang kanyang kabagsikan.

Pagkatotoo ng Sumpa

Tinawanan lamang ni Masung ang ina. Dahil nainis siya, umalis nang walang paalam ang binata. Sa kanyang paglalakad ay hindi niya napansin ang batong nakausli.

Napatid siya at nalugmok sa lupa. Sa di maipaliwanag na dahilan, hindi na maigalaw ni Masung ang buong katawan. Naramdaman niya ang pagbabagong anyo.

Kaaway

Lingid sa kaalaman ni Masung, sinundan pala siya ng kanyang mortal na kaaway. Nakita nito ang pagbabagong anyo niya. Kaya naman naisipan nito na tagain siya ng dala nitong gulok.

Katulad nga ng sabi ng ina, mabagsik pa rin si Masung sa kabila ng kanyang hitsura. Nanunuklaw pa. Si Masung ay ang kauna-unahang ahas.

Aral sa Alamat ng Ahas

Ang mga taong hindi marunong rumespeto ay nakakarma.

The post Alamat Ng Ahas appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>
Alamat Ng Pamaypay https://pinoyalamat.com/alamat-ng-pamaypay/ Wed, 25 Mar 2020 06:08:55 +0000 https://pinoyalamat.com/?p=527951 Noong unang panahon, may mag-asawang biniyayaan ng kambal na anak. Pinangalanan nila itong Pay at May. Bangayang Walang Katapusan Lumaking maganda at malusog ang kambal subalit meron silang ugali na hindi kaaya-aya. Lagi silang nag-aaway kahit na maliit na bagay lamang ang rason. Sigawan dito, sigawan roon ang naririnig mula sa magkambal. Maging ang mga ... Read more

The post Alamat Ng Pamaypay appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>

Alamat ng Pamaypay Buod

Ang alamat ng pamaypay ay tungkol sa magkapatid na laging nag-aaway. Ngunit, sa bandang huli, sila ay nagkasundo ring dalawa. Alamin kung paano sila nagkasundo.

Noong unang panahon, may mag-asawang biniyayaan ng kambal na anak. Pinangalanan nila itong Pay at May.

Bangayang Walang Katapusan

Lumaking maganda at malusog ang kambal subalit meron silang ugali na hindi kaaya-aya. Lagi silang nag-aaway kahit na maliit na bagay lamang ang rason.

Sigawan dito, sigawan roon ang naririnig mula sa magkambal. Maging ang mga magulang nila ay naririndi na. Kahit na anong payo ang gawin nila ay hindi nakikinig ang dalawa.

Tagtuyot

Isang araw, dumating ang tagtuyot sa nayon nina Pay at May. Bumaba ang ani ng mga magsasaka. Nawalan ng tubig ang mga sapa.

Dahil doon, labis ang paghihirap ng mga tao. Naisipan nilang humingi ng tulong sa Bathala na sana ay kaawaan sila. Mabait naman ang bathala ngunit merong kundisyong.

Kondisyon

Kailangang magkasundo ang lahat para dumating ang biyaya. Ganoon nga ang ginawa ng mga tao. Lahat ay nagkasundo alang-alang sa kaligtasan ng lahat maliban sa kambal.

Patuloy pa rin sa kanilang bangayan sina Pay at May. Hindi nila alintana kung ang lahat ay mamatay sa gutom at uhaw. Kaya naman, nagdasal ang mga magulang ng kambal na huwag na lamang idamay ang mga tao sa nayon dahil sa kasalanan nina Pay at May.

Tatlong Parusa

Napahinuhod naman ang bathala ngunit bago niya pagpalain ang buong nayon nais niya munang malaman kung magkakasundo ba talaga ang dalawa. Bibigyan niya ang kambal ng tatlong pagkakataon.

Sa bawat pagkakataon na hindi sila magkasundo ay parurusahan niya ang mga ito. Kung sa ikatlong parusa ay hindi pa rin nagkasundo ang dalawa, mamamatay sila sa misteryosong sakit.

Una at Pangalawang Pagkakataon

Hindi naniwala ang dalawa kaya’t patuloy pa rin ang kanilang pag-aaway. Dahil doon, naranasan ng dalawa ang unang parusa. Sila ay nakalbo. Muli na naman silang nag-away dahil sa suklay.

Nang sumunod na araw, naging kalahating hayop at kalahating tao sila. Nag-away ulit sila dahil pilit nilang sinisisi ang bawat isa.

Huling Pagkakataon

Nagpakita ang bathala sa kanila. Sinabi niya rito na gumawa sila ng bagay na pantagal ng init. Kung magagawa nila iyon, babalik sa normal ang buong nayon na masagana sa ani at ulan. Kung hindi, tototohanin ng bathala ang kanyang parusang kamatayan.

Sa pagkakataong ito, nakinig ang dalawa. Kumuha sila nila mga kawayan. Pinanipis nila iyon at pinagtagpi-tagpi. Tinawag nilang paymaypay ang bagay na iyon. Nagtagumpay ang dalawa.

Bumalik na ang masaganang ani at ang ulang mapagpala. Nagkasundo na rin sa wakas ang kambal.

Natuklasan nila na mainam din pala kung nagkakasundo sila. Masarap sa pakiramdam at nakikita nilang nakangiti ang kanilang magulang.

Aral sa Alamat ng Pamaypay

Walang mabuting naidudulot ang madalas na pag-aaway. Bagkus, sa pagkakasundo lamang nagkakaroon ng katiwasayan.

The post Alamat Ng Pamaypay appeared first on PINOYALAMAT.COM.

]]>